Just like most of the High School students nowadays (3rd year and/or 4th year
students), na-experience ko din mapunta sa space na napakaraming tanong sa sarili. One of which was “Anong kukunin kong course sa College?” I was pressured back then na most of my HS classmates before ay meron ng napiling course (yung iba may 2nd course na just in case). Of course, nainggit ako. Kaya I started asking for suggestions kay Mommy, Daddy, Kuya, uncles and aunties. As expected, their answers were different and that created confusion to me.
Mommy asked, “Ano bang gusto mo? Pwede kang mag Engineering katulad ng Daddy mo, ng mga tito at tita mo OR mag Flight Attendant kasi matangkad ka naman.”
Daddy asked, “Ano bang gusto mo maging in the future?”
I shared to Kuya what Mommy and Daddy told me. And he said, “Pwede kang mag Engineering kasi magaling ka naman sa Math para magamit. Pwede din namang Flight Attendant. Pero sayang naman ang galing mo sa Math. Mag-aaral kayo doon ng different languages at magta-travel sa iba’t ibang lugar.”
Still confused, I went to my tito and tita, and they said, “Pwede kang mag Engineering katulad namin. May Civil Engineering, Electrical Engineering, Electronics and Communications Engineering, Industrial Engineering….. Or kung gusto mo katulad ka ni Tita Vhey mo na sa computer, Computer Science. Gusto mo ba yun?”
Ang hirap din pala ng maraming tinatanungan at maraming options. Hindi ako makapili lalo! Lalo na naman akong naguluhan hearing what my HS classmates planned to take (Accountancy, Medicine, HRM, Psychology and parang ako lang may choices na “Engineering” or “Tourism”).
Feeling ko tuloy kakaiba na naman ako. Mahihirapan na naman akong mag-desisyon. Gulong-gulo na talaga ako! So I went back to Kuya to help me decide dahil pinapatawag na kami sa “Guidance Office” regarding sa mga possible courses na ita-take namin in College once we graduated na.
I asked Kuya, “Kuya, ano ng course ko sa college? Hindi ko alam.” 
Kuya said, “Kung anong gusto mo. Ako kasi before, hindi ko din alam kung anong course na gusto kong kunin. Nag-Industrial Engineering na lang ako like Daddy kasi yan yung nakikita natin na ginagawa niya mula bata tayo. Boss siya ng isang company na may mga nili-lead na ibang tao. Nagustuhan ko din naman ang IE. Maganda siya. So para magamit mo yung galing mo sa Math, mag IE ka na lang than Flight Attendant.”
Still I was undecided, but I was enrolled. At least that time, I know sa sarili ko na I want to be a “top executive” of a company kaya ako magte-take ng Industrial Engineering.
From Industrial Engineer to Real Estate Sales Professional (PART 2 – My IE Life)
Leave a comment